isang pagtatalo:
nung isang gabi nagiisip ako. marami ang nagsasabi na dapat ganito dapat ganyan. tulad na lang ng mga nakagawian natin sa lipunan. hindi ba kayo nagtataka na minsan ginagawa mo ang isang bagay hindi dahil gusto mo kundi yun yung ginagawa ng iba. kung hindi ka gumaya mali ka. kung naiba ka weirdo ka. imbes na purihin ka dahil pinili mong maiba eh kukutyain ka pa.
sa tingin ko isa ito sa mga rason kung bakit tayo ganito. kung mali ang ginagawa nang lipunan mo eh di mali ginagawa ng mga tao. akala ng mga tao "tama" yung ginagawa nila dahil yun yung ginagawa nila. at yung mga gagawa ng tama eh iisipin nila "mali" yung ginagawa nila. imbes na matuklasan natin ang talagang tama nananatili tayong bulag dito. dahil sarado ang utak natin sa pagbabago. sarado ang utak natin sa mga radikal na ideya. pero minsang radikal na ideya ang pagkakapantay-pantay(dati ay may racial prejudice at slavery).
sana mamulat na ang ating mga mata. maging bukas ang isip. na sa pagtanggap ng pagbabago tayo uunlad. iwaksi ang kamalayang tama ang lipunan. kailangan nating magbago.
August 6 2005, 11:11:04 UTC 6 years ago
->tama ka nga at kailangan mamulat ang mga mata pero hindi ganun kadali eh. minsan muka talagang radical ang mga bagay at mali pero di natin alam na in macrospect eh makabubuti pala.
->parang sa econ (kasi alam kong magaling ka dito). those regarding the future will always have that uncertainty. ang sigurado lang natin ay ang nakaraan at ang kasalukuyang nabubuo nito. :D